Lovers and Friends (Part 11)
By: Nickolai214
Mark's POV
2019
Nakaupo ako sa isang area ng restaurant na kinaroroonan ko habang hindi mawala ang tingin sa may entrance at sa mga dumarating na sasakyan sa labas.
Halos kinse minuto pa ang matulin na lumipas bago ko siya nakita na bumaba sa isang itim na sasakyan.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang sa wakas ay masilayan ko siyang muli. Kung kanina ay hindi maipinta ang mukha ko. Ngayon ay may sumilay nang ngiti sa mga labi ko.
Hindi nagtagal ay nakapasok na rin sa loob ng restaurant si Nat. Inikot niya ang tingin niya sa paligid hanggang sa magtama ang mga mata namin.
Hindi muna kaagad siya lumapit kaya kinawayan ko siya. Nanatili lamang siyang nakatitig sa gawi ko.
Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang humakban at tumayo naman ako upang abangan ang paglapit niya.
Nang huminto siya sa tapat ko ay ngumiti ako sa kanya. "Mabuti at nakarating ka. Maupo ka." sabi ko sa kanya saka ko hinila ang upuan.
Umupo naman siya saka na ako umupo sa harapan niya. Inalis niya ang shades na suot niya saka siya seryosong tumingin sa akin.
"Hindi ako kailanman tumanggi sa mga usapan natin kahit noon. Pero ito na ang huling beses na sisiputin kita. Dahil ang tanging dahilan lang kung bakit ako pumayag na magkita tayo ngayon ay dahil kailangan ko ng maayos na closure mula sayo." diretsong sabi niya.
Natigilan ako dahil sa mga sinabi niya. Napakalaki na ng ipinagbago ni Nat. Hindi lang sa physical features kundi pati na rin sa pananalita niya.
Six years and five months kaming hindi nagkita ano bang ineexpect ko? Matapos ang nangyari noon ay kakausapin pa rin niya ako ng normal tulad noon?
Nakita ko siya minsan noon sa New York. Tinangka ko siyang habulin pero hindi ko siya nahabol dahil nakasakay na siya ng tren.
Mula nang araw na iyon ay para na akong baliw na hanap ng hanap sa kanya pero hindi ko siya nahanap.
Hanggang sa mapanood nga siya ni Anjo sa stage play na pinuntahan nila ng mga kaibigan niya nung huling bakasyon niya dito sa Pilipinas.
Alam ng kapatid kobkung gaano ko kamahal si Nat. Naging saksi siya ng mga kalungkutan at pagsisisi ko dahil sa mga maling desisyon ko.
Kaagad akong lumipad patungong Maynila upang kumpirmahin kung totoo ang sinasabi ni Anjo.
Pagkagraduate kasi namin noon ay nagdeactivate na si Nat ng lahat ng social media account niya. Hindi ko rin naman masisi sina Kath kung hindi sila nagbibigay ng impormasyon sa akin.
Sinadya niya talaga na putulin ang lahat ng bagay na nag-uugnay sa aming dalawa. Pero ngayon ay narito na siya sa harapan ko.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Napakarami kong gustong sabihin sa kanya pero alin ang uunahin ko?
Nag-order na kami ng pagkain at pag-alis ng waiter ay tahimik lamang kaming nagtitigan ni Nat.
Napansin ko na tila ba pinag-aaralan niya ang bawat sulok ng mukha ko. Sa mga mata niya ay may nababasa akong mga emosyon ngunit hindi ko iyon matukoy.
"Kumusta ka na?" basag ko sa mahabang katahimikan.
"I'm doing good!" mabilis na sagot niya then he shrugs.
"Matapos mo akong basta na lamang abandonahin noon na para bang wala tayong pinagsamahan ay nagpasya na lang ako na sumama sa mga magulang ko sa amerika. Doon ako nagcollege."
Hinahanapan ko ng bitterness ang paraan ng pagkakasabi niya sa mga katagang iyon ngunit hindi ko iyon nakitaan kahit kaunti dahil binanggit niya ang bawat kataga sa paraang parang nagkukwento lang siya. .
"I'm sorry, Nat. For being a complete asshole six years ago. Gusto kong magpaalam sayo pero hindi ko ginawa."
"Why?" seryosong tanong niya.
Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ko nagawang magpaalam man lang ng maayos sa kanya noon?
"We were both young and innocents at that time. Natatakot ako na kapag nagpaalam ako sayo ay magbago ang isip ko. Sixteen lang tayo noon, Nat! Napakavulnerable ko pa. Hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa. May mga pangarap ako para sa sarili ko. May mga pangarap ako para sa ating dalawa na hindi ko pa kayang tuparin nang mga panahon na iyon."
"Ikaw, nakatakda ka naman talagang mag-abroad noon diba? Hindi mo lang masabi sa akin noon pero alam ko kung ano ang mga gumugulo sa isip mo. Nararamdaman ko iyon. Sinabi rin sa akin ng Lola mo ang tungkol sa bagay na iyon."
Nag-angat niya ng mukha. Sinisikap pigilan ang mga luhang gustong mamuo sa mga mata niya. Nakita ko ang kalituhan sa mga iyon.
"Kung kinausap mo lang sana ako ng maayos at hindi mo ako basta na lamang hiniwalayan nang walang malinaw na dahilan ay baka kinausap ko na ang mga magulang ko na sa Carmen na lang din ako magcollege. Atleast doon kasama kita. Masaya ako. Masaya tayo." puno ng emosyon na sagot niya.
Napailing ako. "Kahit ginawa mo pa ang bagay na iyon ay hindi rin kita papayagan na ituloy iyon. During the first months of our friendship. Madalas kang mag-open sa akin noon ng mga saloobin mo tungkol sa pamilya mo."
"Mga frustrations mo. Kung bakit ganun ang nangyari sa buhay mo. Bakit mag-isa ka lang at nakatira sa poder ng Lola mo. Nami-miss mo ang mga magulang mo at walang gabi na hindi mo iniyakan ang pagkawalay mo sa kanila."
Humugot ako ng malalim na paghinga bago ako nagpatuloy.
"Nung umuwi ka noon mula sa bakasyon ninyo sa Maynila. New year noon. Nagkita tayo sa plaza. Nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata mo. Nakita ko kung gaano ka kasaya nang sa wakas ay nakasama mo ang pamilya mo."
"Masakit sa akin ang kaisipan na malapit mo na akong iwanan. Kailangan mo nang sumama sa parents mo pagkagraduate natin. Gusto ko nang maging selfish noon at sabihin sayo na huwag kang sasama sa kanila. Pero naisip ko na kung hindi ko gagawin iyon ay mas mapapabuti ang buhay mo. Mas mabibigyan ka ng mga magulang mo ng maayos na buhay. Hindi katulad pag naiwan ka na naman sa Carmen kasama ko na ako mismo ay hindi kayang ayusin ang sariling buhay."
Dumating ang order namin ngunit wala kahit isa man sa amin ang pumansin sa mga nakahapag na pagkain sa mesa.
Parehong gulo ang isipan namin sa mga bagay mula sa nakaraan.
"Hindi ko itinago sayo kung anong klase ng pamilya mayroon ako. Napakagulo ng pamilya namin. Masyadong pinakikialaman ng mga magulang ko sa buhay ko. Matapos ang away namin ni Elizer noon sa school ay nagsumbong na naman siya kay Dad. Nagbanta pa sa akin ang daddy ko na kapag hindi pa kita nilayuan ay gagalawin ka na niya."
"Natakot ako, Nat! Kilala ko si Daddy. Kaya niyang gawin ang lahat masunod lamang ang gusto niya. Sinikap kitang layuan. Pero noong graduation natin ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na makipagkita sayo. Mahal na mahal kita nang mga panahon na iyon at hindi ko magawa na tuluyang lumayo sayo."
Nakita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ni Nat ngunit mabilis din iyong napahid ng mga palad niya.
Sa matigas na anyo ay muli niya akong hinarap. May galit sa mga mata niya.
"Duwag ka, Mark! Napaka-makasarili mo!" galit na akusa niya sa akin kasunod ng pagbagsakan ng mga luha niya. "Kung talagang mahal mo ako ako hindi ka dapat nagdesisyon nang mag-isa. Problema nating dalawa iyon Sana kinausap mo muna ako bago ka nagdesisyon para sa ating dalawa."
Mabilis na siyang tumayo at naglakad palabas ng restaurant.
"Naaaat!" tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko saka ko iyon iniwan sa mesa. Tinawag ko ang waiter para magsabi na lalabas na kami saka ko na hinabol si Nat.
Nakasakay na siya sa sasakyan niya nang makalabas ako ng restaurant at kasalukuyan na siyang nagdadrive paalis.
Mabilis kong tinakbo ang kotse ko saka ko sinundan ang sasakyan ni Mark.
Sa isang kilalang hotel siya nagpark at hindi ko rin siya nahabol sa elevator kaya nasipa ko na lang ang pader na malapit sa kinatatayuan ko dahil sa inis.
Mabilis akong nagtungo sa reception para mag-inquire. May nakaschedule na event sa bar ng hotel na ito at invited doon si Nat.
Dahil wala akong invitation ay hindi ako nakapasok sa loob. Nagpasya na lang ako na maghintay sa labas hanggang sa makalabas si Nat.
Lumipas ang halos apat na oras ay isa-isa nang nagsisilabasan ang mga guests.
Mabilis na akong tumayo para hanapin si Nat. Halos nakalabas na yata ang mga guests ay hindi ko pa rin siya nakikita.
Hanggang sa mapasulyap ako sa nagbukas na glass door patungo sa pool. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Nat na palabas doon.
Lasing na lasing siya at hindi na makalakad ng maayos habang bitbit pa rin ang isang bote ng alak.
Mabilis akong tumakbo upang habulin siya. Nasa may pool area na siya nang makalabas ako mula sa glass door.
Hahakbang pa lang sana ako nang bigla niyang tunggain ang hawak niyang alak dahilan upang mawalan siya ng panimbag kaya dumiretso siya sa tubig.
"Naaaat!" malakas na sigaw ko saka ko patakbong tinalon ang pool. Nasa ilalim na ng tubig si Nat nang maabutan ko siya at hindi man lang gumagalaw.
Mabilis ko siyang inihaon at sa amin na nakatuon ang atensyon ng lahat mg tao naroon.
Naubo pa siya at inilabas niya ang tubig na nainom niya. Niyakap ko siya ng mahigpit saka ko siya binuhat. Mabigat din si gago pero hindi ko siya maaaring pabayaan na lang.
"Sir ano po ang nangyari?" tanong ng staff ng hotel na nagtungo na rin sa may pool area nang makita niya ang insidente.
"Lasing siya. Iuuwi ko na siya." sabi ko.
Nag-offer naman ang staff na iassit ako.
Dinala ko si Nat sa unit ko sa Pasay. Doon binihisan ko siya ng damit ko saka ko siya inihiga ng maayos sa ibabaw ng kama ko.
Napakahimbing ng tulog niya nang iwanan ko siya doon. Nagtungo ako sa sala at nagsalin ng wine sa baso.
Tumanaw ako sa labas ng bintana habang iniinom ang hawak na wine. Makikita mula dito ang nagkikislapan na ilaw ng sasakyan mula sa baba at ang mga ilaw ng siyudad.
Malayong-malayo ito sa lugar na kinalakihan namin ni Nat. Naalala ko pa noon na sa tuwing gusto naming makita ang kabuoan ng Carmen ay sa
Heaven's Peak kami nagpupunta.
Restaurant kasi iyon sa itaas na bahagi ng bulubunduking lugar na sa sakop pa ng Carmen.
Habang iniinom ko ang wine ko ay hindi ko naiwasan ang mapabuntong hininga matapos kong sariwain sa isip ko ang mga masasayang alaala namin ni Nat.
Pabalik na sana ako sa silid nang matigilan ako. Nasa pintuan siya ng silid ko. Nakatayo. Nakatitig sa akin.
Suot pa rin niya ang damit ko. Medyo magulo ang buhok niya na hindi nagpabawas sa taglay niyang kagwapuhan.
Nakaawang ang mga labi niya habang seryoso siyang nakatitig sa hubad baro ko na katawan. Nakashorts lang kasi ako at hindi na ako nag-abala pa na magsuot ng pang-itaas.
Nang mapansin niya na nakatitig na rin ako sa kanya ay lumipat sa mukha ko ang mga mata niya.
"Saan mo ako dinala?" tanong niya. Nahihimigan ko pa rin ang galit sa tinig niya bagaman mahina lang ang pagkabigkas niya.
"Nandito ka sa unit ko." sagot ko saka ko binitawan sa mesa ang hawak kong baso. Naglakad ako papalapit sa kanya.
"Hindi ako makapasok kanina sa event dahil wala akong invitation. Kaya naghintay na lang ako sa labas hanggang sa makalabas ka. I'm glad I did. Dahil kung hindi ay malamang nalunod ka na sa pool na iyon." matigas na sabi ko.
"Bakit mo ginagawa ito?" tanong niya nang huminto na ako sa harapan niya. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya.
"Dahil mahal kita." sabi ko saka ko inangkin ang mga labi niya.
Read Finale